^

Metro

Intsik na quack doctor tiklo sa panghahalay ng mga pasyente

-
Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na umano’y quack doctor at nagpa-practice ng herbal medicine kahapon dahil sa pangmo-molestiya sa kanyang mga pasyente at pagtatrabaho ng walang kaukulang permit.

Naaresto sa Manila City Hall ang suspect ilang minuto makalipas na dumalo sa pagdinig sa kanyang kaso si Shie Shiao Fung.

Si Shie na matagal nang sentro ng reklamo ng ilang mga Chinese nationals sa Manila Chinese district dahil na rin sa pag-ooperate nito kasama ang anak na si Jack Co ng isang herbal clinic at drug store nang walang kaukulang lisensiya at visa.

Bukod sa illegal na pagtatrabaho sa bansa, lumilitaw na si Shie ay inireklamo rin ng pangmo-molestiya ng ilang pasyente sa kanyang clinic na nasa Padilla St.

Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo, ang dayuhan ay gumagamit din ng iba’t ibang alyas tulad ng Feng Xu Shao at Xu Shao Feng kaya’t nagagawa nitong makapanloko ng mga kapwa Intsik.

Nagpapanggap na isang doktor si Shie kaya’t nakapag-operate ng isang drug store sa Binondo.

Kasalukuyang nakapiit sa BI detention cell kung saan inilipat na rin ng bureau ang kaso sa Bureau of Food and Drugs para sa agarang pagpapasara ng tindahan nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

ELLEN FERNANDO

FENG XU SHAO

JACK CO

MANILA CHINESE

MANILA CITY HALL

PADILLA ST.

SHIE

SHIE SHIAO FUNG

SI SHIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with