Bintang na torture ni Medel, walang basehan - NAPOLCOM
January 14, 2002 | 12:00am
Ibinunyag ng isang mataas na opisyal sa National Police Commission (NAPOLCOM) na walang sapat na ebidensiya ang naging akusasyon ni self-confessed killer na si Philip Medel, Jr. na siya ay pinahirapan kayat inamin niya sa mga pulis ang pagpaslang sa beteranang aktres na si Nida Blanca.
Sa isinasagawang imbestigasyon ng NAPOLCOM laban sa mga pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at inakusahan ni Medel na siya ay pinahirapan ay may anggulong lumalabas na walang sapat na ebidensiya ang bintang.
Subalit muling pina-review ni NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rogelio Pureza ang report ng fact-finding committee hinggil sa naturang kaso, dahil may ilan umanong malabong ulat ang nasabing report.
Ang nasabing fact-finding committee ay pinangunahan nina Director Antonio T. Salazar, hepe ng Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS), Director Bernardo Calibo, hepe ng Personnel Administrative Service (PAS) at Atty. Firdussi Maznar ng Legal Affairs Service.
Isusumite ng NAPOLCOM sa DILG ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa bintang ni Medel. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended