Ang dumpsite na nasa Sitio San Isidro, Brgy. Lukutang Maliit ay may kakayanang tumanggap ng 2,000 toneladang basura araw-araw mula sa Metro Manila sa loob ng pitong taon.
Binigyang kasiguruhan din ni Rodriguez Mayor Pedro Cuerpo ang MMDA na walang suliranin sa panig ng lokal na pamahalaan sa kanilang pagiging tambakan ng basura mula sa bubuksang dumpsite.
Tiniyak din ni Abalos na ang bagong dumpsite ay pagtatambakan lamang ng residual waste . Ito ay bunsod na rin ng pagkakaroon ng Las Piñas, Pasig at Smokey Mountain sa Maynila ng operational Material Reduction facility (MRFs) na siyang naghihiwalay at nagko-compost sa mga basura.
Ito rin ang dahilan kung bakit aabot ng pitong taon ang paghu-host ng Rodriguez bilang dumpsite.
Samantala ay tiniyak ni Abalos na magdi-develop pa ang MMDA ng panibagong landfills upang maiwasan ang naranasan ng suliranin na kung saan ay na-hostage ang mga basura sa kani-kanilang mga lungsod dahil sa biglaang pagsasara ng nauna ng dumpsite.