Lolo kinagat ang ilong nag-amok, 1 kritikal
January 14, 2002 | 12:00am
Isang 52-anyos na lolo ang nasakote makaraang mag-amok ito at mamaril ng tricycle driver na kumagat sa kanyang ilong kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kritikal sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Fernando Mago Villaflores, ng Holy Spirit Quezon City makaraang barilin ni Virgilio Alba ng Brgy. Holy Spirit matapos na kagatin ng una ang ilong nito at nagtamo din ng sobrang bugbog sa katawan ay nakakulong ngayon sa CPD-Station 6 sa Batasan Hills.
Ayon kay Supt. Rogelio Quilang, hepe ng CPD-Station 6, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nang sugurin ng biktima ang bahay ng suspect kung saan nakatira ang kaaway nitong isang alyas Pablo.
Nabatid na umaawat lamang ang lolo sa nagwawalang biktima nang mapagbalingan siya na nagresulta sa mainitang pagtatalo.
Humantong sa panggugulpi nang ang sigalot na lalo pang pinaigting nang pangangagat ni Villaflores sa ilong ng matanda.
Dahilan dito ay tuluyan nang napikon at hindi nakapagpigil ang matanda kayat binaril ang biktima gamit ang homemade shotgun nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am