Desisyon sa Lenny Villa case, iaapela ng CAV sa CA
January 13, 2002 | 12:00am
Aapela ang Crusade Against Violence (CAV) sa Court of Appeals dahil umano naging katanggaptanggap sa kanila ang naging desisyon ng korte sa mga akusado ng Lenny Villa.
Ayon kay Carina Agarao,Pangulo ng CAV,maaari pa silang magsampa ulit ng motion for reconsideration sa CA sa kasong pagpatay kay Leny noong Pebrero,1991 dahil wala naman magiging double jeopardy kapag sila ay nagsampa ng motion bago pa man ito makarating Korte Suprema.
Nais ng CAV na muling busisiin ng CA ang kaso dahil sa hindi nagustuhan ang naging desisyon ng korte na sina Fidelito Dizon at Artemio Villareal ang pinatawan ng parusang pagkakulong ng 17 taong pagkabilanggo at ang 19 na akusado ay napawalang sala.
Umaasa ang grupo na magkakaroon pa ng muling pag-aaral dahil sa hindi umano nabigyan ng katarungan ang naganap na pagpatay kay Lenny sa isang initiation ng Aquila Legis Fraternity. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended