Ayon sa SPD, may ilang pangalan ng mga mediamen na naka-record sa cellphone ni Cervantes at kanila itong ipatatawag upang kunan ng ilang pahayag hinggil sa naturang kaso.
Hindi ibinunyag ng SPDO ang pangalan ng mga reporter na nakaugnayan ni Cervantes na nakatakdang ipatawag at tanungin.
Naniniwala ang pulisya na may posibleng lead na makakalap sa ilang mamamahayag na kanilang ipatatawag sakaling makausap nila ito.
Samantala, nakatakdang sumipot si dating Land Transportation Office (LTO) chief Ret. Gen. Edgardo Abenina sa Lunes sa SPDO upang ipaliwanag kung bakit nasangkot ang kanyang pangalan sa Cervantes slay.
Si Abenina ay isa sa co-founder ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa (RAM) ngunit hindi na bahagi ng grupo ngayon.
Pinagdududahan naman ng pulisya si Supt. Rafael Cardeno dahil sa hindi nito pagsipot noong Biyernes upang linawin ang pagkakasangkot ng pangalan sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)