^

Metro

Kaye nasa US na

-
Umalis kagabi si Katherine ‘‘Kaye’’ Torres, ang kaisa-isang anak ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca patungong Los Angeles, California sakay ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-102.

Si Kaye, 40 anyos, ay umalis para asikasuhin ang mga naiwan niyang mga transaksyon sa Estados Unidos.

Bakas sa mukha ni Kaye ang lungkot sa pagkadismaya dahil hanggang sa ngayon ay wala pang linaw ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang tunay na pumatay sa kanyang ina.

Ayon kay Kaye, dalawang linggo lamang siyang mawawala sa Pilipinas at agad babalik dito para muling alamin kung ano ang naging motibo ng killer para patayin ang premyadong aktres.

Umaasa si Kaye sa kanyang pagbabalik ay masasagot na ang mga katanungan na bumabalot sa pagkamatay ni Nida.

Si Kaye ay nagtatrabaho bilang accountant sa US. Sinamahan ito sa NAIA Terminal 2 nina Jackie Alba, personal accountant ng una at si Harriet Demetriou, legal attorney ng pamilya. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BUTCH QUEJADA

ESTADOS UNIDOS

HARRIET DEMETRIOU

JACKIE ALBA

LOS ANGELES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PHILIPPINE AIRLINES

SI KAYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with