^

Metro

Kaanak ni Strawberry inaareglo ng BF para 'wag' magdemanda

-
Nagkakaroon ng aregluhan sa kaso ng pagpatay sa dating child actress na si Strawberry, dahil hanggang sa ngayon ay hindi umano interesadong magsampa ng reklamo ang mga kaanak nito laban sa nobyo ng naturang biktima na hinihinalang responsable sa insidente.

Ito ang ibinunyag kahapon ng isang opisyal sa Southern Police District Office (SPDO), na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Sinabi ng source na may hinala silang nagkakaroon umano ng aregluhan sa kaso ng dating child actress, dahil hanggang sa ngayon ay hindi interesadong magsampa ng reklamo ang mga kaanak nito laban sa suspect na si John Mark Doromal, boyfriend ng dalaga.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na si Doromal umano ang aksidenteng nakabaril at nakapatay kay Strawberry, Anouk Baldo sa tunay na buhay habang nakikipag-ingkwentro ito sa pamilya Picar na ang pinag-ugatan ng alitan ay dahil lamang sa simpleng gitgitan sa trapiko na naganap noong Disyembre 18, 2001, B.F. International, Executive Village, Las Piñas City.

Sa kabila na inihanda na ng Las Piñas City Police ang kasong Reckless Imprudence resulting to homicide laban kay Doromal, hindi pa ito maisampa sa Prosecutors Office dahil hindi umano sumisipot sa nasabing tanggapan ang mga kamag-anak ng aktres, kaya’t ayon sa source may hinala silang inaareglo ito ng pamilya Doromal.

Kahapon ay isinagawa ng pulisya ang isang ocular inspection sa pinangyarihan ng insidente.

Naganap rin kahapon ang unang pagdinig sa kasong attempted murder na isinampa ng pamilya Picar sa Las Piñas City Prosecutors Office laban sa binatang Doromal na umano’y sumalakay at namaril kasama ang ilang guwardiya nito.

Samantala, ayon pa sa source, ipinahayag ni Ronald Picar, na nagpakilala umanong miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na kalalakihang naka-bonnet na nagsagawa nang pag-kidnap sa kanya noong Enero 4, 2002 sa Quezon City upang aminin lamang ang pagpatay kay Strawberry. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANOUK BALDO

CITY POLICE

CITY PROSECUTORS OFFICE

DOROMAL

EXECUTIVE VILLAGE

JOHN MARK DOROMAL

LAS PI

LORDETH BONILLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PICAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with