6,000 low-cost housing sa Pasig itatayo na ng HUDCC
January 11, 2002 | 12:00am
Umaabot sa 6,000 pamilya na umuukupa sa Manggahan Floodway sa Pasig City ang magkakaroon ng permanenteng tirahan sa pamamagitan ng programang "Home along the floodway."
Ito ang ipinahayag kahapon ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Mike Defensor matapos magpirmahan ng memorandum of agreement sa pagitan ng HUDCC at P.C. Cruz and Associates.
Batay sa pinagkasunduan,ang P.C. Cruz ang siyang mangangasiwa sa lahat ng pangangailangan ng nasabing proyekto at ang HUDCC ang siya namang magbibigay sa lahat na kinakailangan ng una.
Ayon kay Defensor,ang nasabing pabahay ay isa sa mga programa ng pamahalaan na mabigyan ng kaligtasan ang mga residente na nakatira sa mga delikadong lugar tulad ng mga malapit sa ilog,estero at mga lugar na madaling binabaha.
Simula ng Oktubre ay nakapagpatayo ng ang HUDCC ng pabahay sa humigit kumulang na 120,284 pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended