Masama ang loob sa tatay, nagpakamatay
January 11, 2002 | 12:00am
Winakasan ng isang 21-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil lang sa umanoy sobrang sama ng loob nito sa kanyang tatay kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Las Piñas City.
Nakabigti at patay na nang datnan ng mga kamag-anak si Arthur Tañedo,ng Sampaguita Apartment,Crispina Avenue,Brgy.Pamplona.
Nabatid na dakong alas-6:15 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang mga kaanak na nakatali ang leeg gamit ang nylon cord sa kisame.
Sa pahayag ng ilang kamag-anak may sama umano ng loob ang biktima sa kanyang tatay subalit hindi binanggit kung ano ang klaseng hinanakit nito.
Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended