^

Metro

Anak ni Gen. Maganto nanakot, namaril

-
Isang lalaki na pinaniniwalaang anak ni General Romeo Maganto ang umano'y nanakot at pinagbabaril ang sasakyan ng isang estudyante kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ang biktima ay nakilalang si Carlo Balao,25,estudyante ng Center for Culinary Arts (CCA) at residente ng Rizal Village na nagsampa ng reklamo sa Precint 9 ng Makati PNP laban sa anak umano ni Gen.Maganto na si Ariel Maganto.

Sa pahayag ng biktima,na dakong alas-4:10 ng madaling araw habang minamaneho niya ang kanyang Ford F-150 ay nakasagutan nito ang driver ng Toyota Corona sa tapat ng Where Else Disco na matatagpuan sa Hotel Intercontinental sa loob ng Ayala Center.

Iginiit ng driver ng Corona na binangga ni Balao ang kanyang sasakyan hanggang sa ang dalawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ilang saglit ay napansin ni Balao na dumating ang ilang sasakyan na umano ay kasamahan ng driver ng Corona kaya't agad itong humagibis sa takot na pagtulungan.

Bago siya humagibis ay nakilala niya ang kasamang babae ng driver ng Corona na kanyang kaklase.

Agad nitong tinawagan sa cellphone ang babae at tinanong kung ano ang ikingagalit ng kanyang kasamang lalake.

Sinagot sa pamamagitan ng text ang lalaki at nagpakilalang siya ay si Ariel Maganto na kung saan nagbanta ito kay Balao at sa kanyang pamilya.

Nagtungo si Balao sa Capone's Bar sa Makati Avenue na kung saan ay nandoon ang kanyang mga naghihintay na kaibigan.

Bago pa makaupo sa loob ng bar si Balao ay narinig nito ang sunod-sunod na putok.

Nang lumabas si Balao kasama ang mga kaibigan ay nakita nito na ang gulong ng kanyang sasakyan ay tinadtad ng anim na bala na umano ay kagagawan ng batang Maganto. (Ulat ni Marvin Sy)

ARIEL MAGANTO

AYALA CENTER

BALAO

CARLO BALAO

CULINARY ARTS

FORD F

GENERAL ROMEO MAGANTO

HOTEL INTERCONTINENTAL

KANYANG

MAGANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with