^

Metro

'Dugo' nagligtas sa tangkang rape ng adik na kuya

-
Itinuturing ng isang bagong panganak na ginang na ang dugo sa kanyang panty ang nagligtas sa tangkang panghahalay ng kanyang kapatid na adik kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Irene Ayroso,21,may-asawa ng Sampaguita St., Bagong Barrio East,samantala ang suspek na kapatid nito ay nakilalang si Bong Ayroso,30,binata ay agad na naaresto ng pulisya.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya,dakong alas-5 ng hapon ay kasalukuyang nagtitimpla ng gatas ang biktima para sa kanyang bagong silang na anak nang dumating ang suspek na noon ay nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Nilapitan ng suspek ang biktima at sabay na niyakap at pinaghahalikan.

Nanlaban ang biktima subalit dahil sa bagong panganak ay mahina ito kung kaya't siya ay naihiga ng suspek sa sahig.

Nang huhubaran na ng suspek ang kapatid para halayin ay napatigil ito nang makitang may bakas pang dugo sa panty .

Nadismaya ito at mabilis na binitawan ang kapatid at saka lumabas ng bahay at tumakas.

Hindi na rin nag-aksaya ng panahon ang biktima at nagtungo ito sa himpilan ng pulisya at ipinahuli ang kapatid. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAGONG BARRIO EAST

BONG AYROSO

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

IRENE AYROSO

ITINUTURING

LUMALABAS

NADISMAYA

NANG

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with