10 bahay nasunog, 2 magkapatid grabe
January 9, 2002 | 12:00am
Sampung kabahayan ang naging abo sa naganap na isang oras na sunog sa Pasay City kahapon ng madaling araw na kung saan ay dalawang magkapatid ang nasa kritikal na kalagayan dahil sa tinamong 1st degree burn sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital,ang magkapatid na sina Patricia,12 at Garry Cortez,12 ng Decena St., dahil sa mga tinamong paso sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ng Pasay City Fire Department,dakong ala-1:35 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa kuwarto ng magkapatid na mahimbing na natutulog sa mga oras na iyon.
Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan na ikinagising ng ama nilang si Jerry at iniligtas ang mga nakulong na anak sa nagliliyab nilang bahay.
Nadamay ang siyam pang katabing bahay ng pamilya Cortez na tinatayang mahigit na P 2milyong piso ang halaga ng mga kagamitan ang naabo.
Dakong alas-2:44 ng madaling araw nang maapula ng mga bumbero ang sunog na ayon sa inisyal na imbestigasyon ay electrical faulty wiring umano ang sanhi ng sunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended