Pekeng NBI agent timbog
January 8, 2002 | 12:00am
Isang 37 anyos na lalaki ang nadakip makaraang magpakilalang isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Idinulog kay Supt. Cecilio Aguilar hepe ng CPD-Station 2 ng mga vendors ang ilegal na gawain ni Carlos Cruz, ng Gen. Ricarte St., Doña Rosario, Novaliches na naaresto makaraang magsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng nasabing police station.
Sa reklamo ni Baby Sultan, vendor, noong pang Biyernes ng gabi ay nakapangikil na si Cruz, ng tig-P1,000 sa bawat vendors kapalit ng ibibigay niyang proteksiyon sa mga raids dahil siya ay isang NBI agent.
Nabatid pa na kinukumpiska ang mga paninda ng vendors kapag ayaw magbigay ng nasabing halaga.
Ngunit nagsimulang maghinala ang mga biktima makaraang muling mangikil ang umanoy NBI agent kinabukasan kung kayat napagdesisyonan ng mga ito na magsumbong na sa nasabing istasyon na agarang nagsagawa ng entrapment operation.
Naaresto si Cruz makaraang mabitag ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng mark money na ginamit ng mga vendors bilang protection money na pambayad sa una. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended