Bangka tumaob, sapatero nalunod
January 8, 2002 | 12:00am
Sa halip na maging mapayapa ang pagpapalipas ng oras sa pangingisda ng isang sapatero, naging isang disgrasya ito matapos na malunod nang tumaob ang bangkang kanyang sinasakyan, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Matapos ang dalawang oras na paghahanap, wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang nakilalang si Junie Aquino, 23, binata ng Bautista St., Brgy. Concepcion I ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagtungo sa Tumana River si Aquino kasama ang kaibigang si Renato Rivera, ng Pipino St., Tumana, Concepcion I, dakong alas-3 ng hapon upang mamingwit ng isda.
Habang namimingwit, nainis umano ang biktima dahil sa hindi pa ito makahuli ng isda sa tagal ng kanyang paghihintay. Dito ito nagpasyang mag-iba ng puwesto ngunit sa kanyang paghakbang ay nawalan ito ng balanse hanggang sa tuluyang tumaob ang bangka.
Sinabi ni Rivera na nagawa umano niyang makahawak sa kanilang bangka ngunit tuluyang tinangay ng agos ang kanyang kaibigang si Aquino.
Nagawa lamang makahingi ng saklolo si Rivera nang mapatakbo niyang muli ang bangka at makarating sa pampang.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Marikina Rescue 161 ngunit nakuha ang bangkay ng biktima dakong alas-5:45 ng hapon nang kusang lumutang ito sa ibabaw ng tubig. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended