^

Metro

Estafa queen nasakote

-
Nasakote ng pulisya ang isang umano’y estafa queen matapos itong ipagharap ng reklamo ng 56 katao na kanyang niloko ng P3 million kapalit ng pangakong trabaho sa abroad kahapon sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Cynthia Tupaz, 48, may asawa, nakatira sa Unit 308 Araneta Mansion, 28-C, Jose St., Malibay ng lungsod na ito.

Ayon sa reklamo ng mga biktima na pawang tubong Nueva Eciya, Tarlac, at Zambales ay nagtungo sila sa Maynila upang mag-apply ng trabaho bilang domestic helper, clerck at factory worker patungong Korea sa 4-1 Travel Tours na matatagpuan sa bahay ng suspect.

Hiningan umano ni Tupaz ang mga biktima ng P60,000 bawat isa kapalit ng mabilisang trabaho sa nabanggit na bansa.

Subalit naibigay na ng mga biktima ang mga nabanggit na halaga, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nakakaalis gaya ng pangako ng suspect at kapag hinahanap nila si Tupaz, palipat-lipat ito ng lugar.

Sa isinagawang surveillance ng mga kagawad ng Pasay City Police, nadakip ang suspect na si Tupaz mismo sa tinitirhan nitong bahay sa naturang lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARANETA MANSION

AYON

CYNTHIA TUPAZ

HININGAN

JOSE ST.

LORDETH BONILLA

NUEVA ECIYA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

TRAVEL TOURS

TUPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with