Bumili ng katol sa tindahan, napatay ng adik
January 6, 2002 | 12:00am
Hindi akalain ng mga kaanak ng isang 21-anyos na lalaki na ang pagbili nito ng katol ang siyang magiging dahilan upang mapatay ito ng bangag na drug addict, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, sanhi ng mga tama ng sumpak sa ulo ang biktimang si Oliver Puriga, vendor ng Gate 18 Area-H, Parola Compound, Tondo.
Tumakas naman ang suspek na armado ng shotgun (sumpak) na nakilala lang sa alyas na Baldo, 20 hanggang 24 anyos, may taas na 52 hanggang 54, maskulado at kayumanggi.
Sa ulat ni Detective Dave Tuazon, may hawak ng kaso, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa harapan ng tindahan na pag-aari ng isang Rosalina Olandang sa 0038 gate 18 Area H Parola.
Ayon pa rin sa ulat, nilalamok umano ang biktima nang maisipan nitong bumili ng katol nang iaabot na nito ang pera na bayad sa nabiling katol ay nilapitan ito ng salarin saka binaril nang patalikod ang biktima at tumakas.
Sa tulong ng ilang kabarkada, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan subalit dead-on-arrival.
Isang manhunt ang tumutugis ngayon laban sa suspek. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended