Ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Alex Manalaysay ng 3rd St., Sitio Desierto, Brgy. Tañong.
Halos magkulay talong sa pasa ang biktima na si Geraldin Cupcupin, 17 ng nasabing lugar dahil sa mga suntok na inabot nito.
Base sa ulat,dakong alas-7 ng gabi ay nakita ng suspek ang isang Alvin na magiliw na kinakausap ng biktima sa harap ng bahay.
Bigla na lamang lumapit ang suspek at agad na sinuntok si Alvin at sabay tanong kung ito ay dumidiskarte sa biktima.
Nagalit ang biktima at sinigawan ang suspek at sinabing wala itong pakialam, na hindi nagustuhan ng suspek at agad pinagtatadyakan ang dalaga sa katawan at nagsisigaw ng " papatayin ko ang sinuman magiging nobyo mo dito sa Desierto" bago ito tuluyang umalis.
Sinabi ng biktima na nagtataka umano siya sa suspek na laging nagseselos gayong hindi pa naman niya ito nobyo at wala umano itong maaasahan dahil sa ayaw niya sa lalaki na isang adik, maraming tattoo at labas-pasok sa kulungan. (Ulat ni Gemma Amargo)