2 paslit napugutan ng ulo
January 5, 2002 | 12:00am
Dalawang paslit ang napugutan ng ulo matapos silang banggain ng rumaragasang 10-wheeler truck habang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay sa Taguig kahapon ng hapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Joel Trocio, 5; at ang kapatid nitong si John John, 4 kapwa naninirahan sa Stop House, C-5 Road, Cosmos St., ng nasabing bayan.
Sa ulat ni SPO4 Cris Hadlocon, dakong alas-4 ng hapon, binabagtas ng isang 10-wheeler truck ang kahabaan ng C-5 road nang bigla na lamang itong mawalan ng giya.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa maibigay ng mga awtoridad ang plate number ng naturang truck at ang pangalan ng naturang tsuper, ngunit sinabi nila na nasa malubhang kalagayan din ang truck driver at pahinante nito na kapwa nakaratay ngayon sa Pembo Hospital.
Nabatid na masayang naglalaro ang dalawang biktima sa ilalim ng puno ng aratilis na nasa tapat ng kanilang bahay.
Bigla na lamang umanong nawalan ng kontrol ang nasabing truck at tuluy-tuloy itong bumangga sa magkapatid.
May ilang metro ring nakaladkad ang mga biktima hanggang sa tuluyang sumalpok ang truck sa mga katabi pang puno ng acacia.
Tiniyak din ng mga pulis na nagkagutay-gutay ang katawan ng biktima sa lakas ng impak ng pagkakabangga ng dambuhalang sasakyan.
Inaalam din ng mga imbestigador kung nakainom ang driver ng truck na nakatakdang sampahan ng kasong kriminal. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended