^

Metro

Bus na galing sa probinsiya bawal sa Maynila

-
Ipagbabawal na ng Manila Traffic and Parking Bureau ang pagpasok ng mga bus na galing probinsiya sa Maynila na kung saan gagamitin ang kontrobersyal na Park N Ride bilang paradahan.

Ito ang sinabi ni MTPB Director Manuel Mendoza na plano din na ibalik ang dating pamamaraan ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na nagbawal sa lahat ng bus na galing probinsya at nagresulta sa pagluwag ng trapik.

Sinabi rin ni Mendoza na kung ganito ang gagawin ay tiyak na luluwag ang trapik sa Maynila dahil wala na ang malalaking bus na madalas ay nakahambalang sa kalye sa Maynila.

Inaasahan na hanggang 70 porsiyento ang iluluwag ng trapik sa sandaling ipatupad ang bagong hakbang na ito ng MTPB simula sa Lunes. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

DIRECTOR MANUEL MENDOZA

INAASAHAN

IPAGBABAWAL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

MENDOZA

PARK N RIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with