Tinanggihang makatalik, binata nagbigti
January 4, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi pumayag na ibigay ang pagkababae ng kanyang nobya bilang regalo sa Pasko, isang 24-anyos na lalaki ang tuluyang nagpakamatay dahil sa sama ng loob, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon kay Supt. Raul Medina, hepe ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), natagpuang nakabigti si Angelito Dizon, binata, isang construction worker ng CDG Garcia Construction Co., Inc. tubong Pampanga at residente ng Brgy. Lourdes Bamban, Tarlac, sa isang puno ng ipil-ipil ng isang estudyante ng Culiat High School.
Dakong alas-6:30 ng umaga natagpuan ng nasabing estudyante ang biktima sa isang bakanteng lote sa kanto ng Teddy III at Maria Eva Sts. sa Tierra Pura Subd. sa Brgy. Culiat sa nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid umano na nagkaroon ng matinding tampuhan si Dizon at ang kanyang nobyang hindi pa nakikilala na kung saan hiniling umano ng biktima na iregalo nito sa Pasko ang pagkababae.
Ngunit lumipas ang Pasko at Bagong Taon ay hindi tinupad ng nobya ang kahilingan ng biktima na nagdulot umano ng matinding sama ng loob kay Dizon.
Una rito, napansin ng kanyang mga kaibigan ang pagiging walang kibo ng biktima kung saan umano isa sa mga kaibigan ang nahingahan nito ng saloobin hinggil sa ipinangako ng nobya.
Ang bangkay ay dinala sa PNP Crime Laboratory para sa awtopsiya. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended