^

Metro

Tinamaan na ng bato pinatay pa sa saksak

-
Tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na lalake ng dalawa sa nagrarambulang grupo ng kalalakihan matapos na sitahin ng una ang mga huli na nakaaksidenteng nakabato sa kanyang ulo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Patay na bago dumating sa Lanting General Hospital si Romy Reyes, may-asawa ng Old Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches matapos na magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang dalawang suspek ay agad na tumakas na kung saan ang isa dito ay nakilala lamang sa alyas na Ampang.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-2:45 ng madaling araw habang ang biktima ay nakatayo sa gilid ng barangay hall nang biglang sumiklab ang isang riot ng dalawang grupo.

Sa gitna ng sagupaan ay nagliparan ang mga bato at aksidenteng tinamaan ng bato ang biktima.

Sa galit ng biktima ay kinompronta nito ang dalawang grupong nagsasagupaan ngunit agad siyang hinarang ng dalawang suspek at agad na inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Iniwang nakalugmok ang biktima sa gitna ng kalye ng mga suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AMPANG

BRGY

INIWANG

JHAY MEJIAS

LANTING GENERAL HOSPITAL

NOVALICHES

OLD SAUYO ROAD

PATAY

QUEZON CITY

ROMY REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with