Ang unang biktima ay nakilalang si Philip Casabuena, 26, ng Brgy. Lower Bicutan ng nasabing bayan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Lumalabas na dakong alas-11:30 ng gabi nang holdapin si Casabuena ng dalawang suspect sa Zone 6, Brgy. Signal Village at tinangay ang cellfone nitong Nokia 7110.
Pagkalipas ng sampung minuto ay hinoldap at tinangay din ang Nokia 3310 ng biktimang si Allan Jay Mayo, 21, estudyante at nakatira sa 9th St., Zone 1.
May hinala ang pulisya na ang dalawang biktima ay nanlaban sa mga suspek kung kayat pinatay ang mga ito.
Maaari din na iisang grupo lamang ang tumira sa dalawang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)