^

Metro

2 lalaki todas sa agaw - cellfone

-
Dalawang lalaki ang magkasunod na hinoldap at pinatay ng pinaniniwalaang grupo ng agaw-cellfone gang kamakalawa ng gabi sa Taguig.

Ang unang biktima ay nakilalang si Philip Casabuena, 26, ng Brgy. Lower Bicutan ng nasabing bayan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Lumalabas na dakong alas-11:30 ng gabi nang holdapin si Casabuena ng dalawang suspect sa Zone 6, Brgy. Signal Village at tinangay ang cellfone nitong Nokia 7110.

Pagkalipas ng sampung minuto ay hinoldap at tinangay din ang Nokia 3310 ng biktimang si Allan Jay Mayo, 21, estudyante at nakatira sa 9th St., Zone 1.

May hinala ang pulisya na ang dalawang biktima ay nanlaban sa mga suspek kung kaya’t pinatay ang mga ito.

Maaari din na iisang grupo lamang ang tumira sa dalawang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN JAY MAYO

BRGY

CASABUENA

DALAWANG

LORDETH BONILLA

LOWER BICUTAN

LUMALABAS

NOKIA

PHILIP CASABUENA

SIGNAL VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with