Trader pinaulanan ng bala habang nanonood ng fireworks
January 2, 2002 | 12:00am
Kasabay ng putukan sa pagsalubong sa Bagong Taon, isinabay ng mga hindi nakilalang lalaki ang pagpatay sa isang 44-anyos na negosyante nang paulanan ito ng bala, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Nakilala ang nasawi na si Ariscelo Tolentino, ng Blk. 18, Jeros St., Eusebio Ave., Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa maraming tama ng bala buhat sa magkakaibang kalibre ng baril.
Sa ulat ni PO3 Norman Barcellano, imbestigador, naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng madaling-araw sa tapat ng videoke bar na pag-aari nito sa Pasig City.
Habang nanonood ng ibat ibang uri ng fireworks, nilapitan ito ng dalawang hindi nakilalang lalaki na armado ng M-16 armalite at kalibre .45.
Hindi na nahalata ng mga residente ang ibat ibang putok na tumama kay Tolentino matapos na paulanan ito ng mga suspect. Napansin na lamang ang biktima na duguang nakalugmok sa semento at wala nang buhay.
Parang walang anumang nangyari na naglakad palayo ang mga suspect dala-dala ang armas na ginamit sa krimen.
Kasalukuyang nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo ng pamamaslang at kung sino ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended