Hindi nakayanan ang sakit ng tiyan, driver tumalon sa gusali
January 2, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi makayang pananakit ng tiyan, nagawang magpakamatay ng isang driver matapos itong maglaslas ng pulso at tumalon mula sa ikaapat na palapag ng ospital, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Nasawi noon din ang biktimang si Noel Panel, 31, ng Block 8, Lot 11, Krause Park, Brgy. Molino, Bacoor, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Joel Cambi ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, dinala ang biktima ng kanyang misis na si Eva, 35, sa Perpetual Help Hospital sanhi ng madalas na pananakit ng tiyan.
Dakong alas-4 kahapon ng madaling-araw, muling sinumpong ng pananakit ng tiyan si Panel kayat pumunta ito ng comfort room at dahil sa hindi makayanang sakit, kumuha ito ng isang patalim at nilaslas ang kanyang pulso.
Matapos maglaslas, hindi nakuntento, lumapit ng bintana at mula sa ikaapat na palapag ng pagamutan, tumalon ang nasabing biktima na naging dahilan ng malagim nitong kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended