Maid nilasing muna bago pinatay at pagnakawan
December 31, 2001 | 12:00am
Nilasing at pinatay muna ang isang katulong bago kinulimbat ang mga alahas na nagkakahalaga ng P.3 milyon ng hindi pa nakilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.
Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Elizabeth Maquiling, 25, stay-in bilang katulong sa 609 Jesuit St., Barangay Sun Valley Subdivision ng nabanggit na lungsod matapos sakalin ng electric cord sa leeg.
Samantala, ang hindi pa nakikilalang suspek ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Odeo Cariño, ng Criminal Investigation Division (CI), Parañaque City Police, natagpuan ang biktima ng kanyang amo na si Alvin David, nasa hustong gulang dakong alas-2 kahapon ng madaling araw.
Nabatid kay David na galing silang magpapamilya sa Baguio mula sa holiday vacation.
Ayon dito, ilang minuto na siyang kumakatok ng pinto ng kanilang bahay, ngunit hindi sila pinagbubuksan ng biktima.
Mabuti na lamang may duplicate na susi si David at sumalubong sa kanya ang malamig na bangkay ng biktima na nakapalupot sa leeg ang electric nylon cord.
Napag-alaman sa pulisya na nilasing muna ang biktima, dahil sa mga nakitang bote ng beer at pinagkainang pulutan bago pinatay sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg.
Pagkatapos paslangin si Maquiling, kinuha ng suspek ang mga alahas ng pamilya David na nagkakahalaga ng P300,000.00.
May hinala ang mga pulis na kakilala ng biktima ang hindi pa nakikilalang suspek. Sa ngayon ay masusing iniimbestigahan ang nabanggit na kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest