Fil-Am girl hinalay ng houseboy
December 31, 2001 | 12:00am
Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa at posibleng pumila sa lethal injection ang isang 31 anyos na houseboy makaraang ireklamo ng ina ng dalagitang Amerikana na biktima nito sa Makati City kahapon.
Kinilala ang suspek na agad na tumakas makaraang isagawa ang krimen na si Elpidio Layug Baluyot alyas Jun Yumul, stay-in helper sa Angono St., Brgy. Rizal, Makati City.
Ang biktima na itinago sa pangalang Karen, 17, estudyante at tubong California, USA at residente ng nabanggit na tirahan ay sinamahan ng ina na kinilalang si Mrs. Bareba na personal na dumulog kay SPO4 Columbian Ferraren ng Women and Childrens Desk ng Makati City Police.
Sa salaysay ni Karen ay kinaibigan umano siya ng suspek at dahil kakaiba ang giliw ay naging malapit dito ang biktima.
Lingid sa kaalaman ng dalagita ay mayroong maruming tangka sa kanya ang houseboy.
Nabatid pa sa ina ng biktima na Dis. 28 umano nang maganap ang panghahalay ng suspek sa kaniyang anak nang dalhin ito sa Enrico Apartelle ng nabanggit ding lungsod.
Idinagdag pa ng ina ng biktima, isang Fil-Am na mayroon ng apat na menor de edad na nabola at napagsamantalahan ng suspek at ngayoy pawang mga nagdadalang tao.
Sinabi pa nito na pinili nilang mag-asawa na bumalik ng Pilipinas upang dito papag-aralin ang anak upang malayo sa tukso ng kahalayan sa Amerika, ngunit dito pa nabiktima.
Isang manhunt operation naman ang kaagad na ipinag-utos ng Makati City Police upang tugisin ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest