^

Metro

Pulis napagkamalang bumbero binaril sa mukha, kritikal

-
Isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang nasa kritikal na kondisyon matapos itong barilin sa mukha ng isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos na mapagkamalan ng huli na babarilin ng una ang isang grupo ng kabataan na nag-aaway sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si PO1 Jaworski Osngal, 25, at nakatalaga sa Provisional Patrol Unit ng Northern Police District (NPD).

Samantala, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si FO3 Raymundo Sabare, 39, miyembro ng BFP at residente ng 489 Sitio Uno, Caloocan City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng Atoy King’s Video na matatagpuan sa Samson Rod, Railroad Track, ilang hakbang lamang ang layo sa himpilan ng Caloocan police.

Napag-alaman na magkahiwalay na nag-iinuman ang dalawa kasama ang kanilang mga barkada nang bigla na lamang magkaroon ng komosyon ang isang grupo ng kabataan na nag-iinuman din.

Tinangka umanong awatin ng biktima ang mga nag-aaway subalit napagkamalan ito ng suspek na bubunot ng baril at babarilin ang mga kabataan kaya’t mabilis din itong binaril ni Sabare sa mukha. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ATOY KING

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

JAWORSKI OSNGAL

NORTHERN POLICE DISTRICT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROVISIONAL PATROL UNIT

RAILROAD TRACK

RAYMUNDO SABARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with