P 150,000 ipon ng OFW, nilimas ng kapitbahay
December 30, 2001 | 12:00am
Naglaho ang dalawang taong pinag-ipunan ng isang balikbayang overseas Filipino worker (OFW) matapos na masalisihan umano siya ng kanyang kapitbahay at tangayin ang tinatayang P150,000 salapi, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Dumulog sa Pasay Criminal Investigation Division ang biktimang si Luz Ramirez, 42, may asawa, ng #2526 M. dela Cruz St., Pasay City.
Naaresto naman ang kanyang inireklamong sina Elena Pajares, 30, at kanyang ka-live-in na si Rogelio Fernandez, 35, kapwa residente sa naturang lugar.
Ayon kay Ramirez, namasyal umano silang buong pamilya kamakalawa at bumalik sa bahay dakong alas-3 ng hapon. Dito nila napansin na bukas ang pinto ng kanilang bahay at magulo ang loob na halatang hinalungkat.
Nang tingnan niya ang kabinet sa kanilang kuwarto, dito nadiskubre na nawawala na ang may P150,000 halaga ng salapi at alahas.
Ang naturang pera at mga alahas umano ay kanyang naipundar sa pagtatrabaho sa Hong Kong sa loob ng 2 taon.
Inakusahan nito ang dalawang suspek dahil sa may nakakita umano sa mga ito na pumasok sa bahay ni Ramirez. Itinanggi naman ng dalawa ang paratang sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended