Estudyante nasagasaan ng kotse
December 29, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang 14-anyos na estudyante makaraang masagasaan ng isang rumaragasang kotse habang tumatawid ito sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Si Rafael Marcelo, ng 7 Claims St., GSIS Village, Proj. 8, Quezon City, ay agarang nasawi makaraang mabagok ang ulo nito at magkabali-bali ang katawan dahil sa malakas na pagsalpok sa kanya ng isang Honda Civic, may plakang TGE-453 na minamaneho ni Luis Vincent Moya, 24, ng 18 Skylark St., Zabarte Rd., Novaliches.
Batay sa imbestigasyon, dakong ala-1 ng madaling-araw sa kahabaan ng Commonwealth Ave., kanto ng Luzon Ave., Diliman, Brgy. Old Balara, nang maganap ang insidente.
Sa ulat, galing ang suspek sa Don Antonio Avenue sakay ng nasabing sasakyan papuntang Philcoa ngunit pagsapit nito sa tapat ng Luzon Avenue sa Old Balara ay biglang tumawid ang binatilyo.
Ipinaliwanag ng suspek na huli na nang makita nito ang papatawid na biktima na hindi na niya nagawang makaiwas kung kayat nabangga niya ito.
Sa kasalukuyan, pinipigil ang nasabing driver na nakabangga sa biktima sa Central Police District Traffic Sector. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended