Nasugatan naman sa insidente ang isang boluntaryong bumbero na nakilalang si Alfred Lo, ng Manila Fire Department (MFD) makaraang mabagsakan ng nagliliyab na kahoy at agad itong isinugod sa Metropolitan Hospital.
Ayon kay Supt. Pablito Cordetan, Fire Marshall, dakong akas-3:55 ng madaling-araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bodega ng asukal na pag-aari ng isang negosyanteng Fil-Chinese na si Jose Chua sa panulukan ng Torres Bugallon at Limay Sts, Tondo.
Hinayang na hinayang si Chua sa kanyang 12 aso na nalitson na nagkakahalaga ng P25,000 bawat isa at nasa P20,000 naman ang halaga ng isang Aruana na nasa aquarium.
Idineklara naman ng mga fireman na under control na ang sunog matapos ang kalahating oras.
Inaalam na ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog. (Ulat ni Ellen Fernando)