Kaagad na ipinag-utos ni Mendoza ang pagsasailalim sa summary dismissal proceedings laban kina SPO4 Pedrito Laut ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) at SPO1 Jaime Gimena ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Office-7 na nakabase sa Central Visayas.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Cresencio Maralit ang kautusan ni Mendoza ay bilang bahagi ng pagdidisiplina ng pamunuan ng PNP laban sa kanilang mga tauhan na inirereklamo ng pagkakasangkot sa indiscriminate firing."
Si Laut ay naaresto ng mga tauhan ng mobile patrol ng Mandaluyong City Police matapos nitong walang habas na paputukin ang kanyang inisyung cal. 38 caliber revolver ng dalawang beses sa ere sa bisinidad ng Star Mall sa panulukan ng Edsa at Shaw Boulevard kamakailan.
Samantala si Gemma ay inireklamo ng kanyang mga kapitbahay sa Brgy. Gun-og, Lapulapu City matapos itong magpaputok ng baril noong hatinggabi ng pagsalubong sa Kapaskuhan. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia )