Hepe ng Parañaque police inambus, nakaligtas
December 28, 2001 | 12:00am
Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang hepe ng Parañaque Police Station matapos ang bigong ambus habang ang kanyang police bodyguard ay napatay makaraang paulanan ng bala ang sinasakyang mobile car na susundo sana sa nasabing opisyal kahapon ng hapon sa Sucat Road, nasabing lungsod.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Parañaque Medical Center bunga ng maraming tama ng bala ng baril ang police bodyguard na nakilala lamang sa pangalang SPO3 Jacinto Tanagan.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang hinihinalang target ng mga suspek sa ambush na si P/Supt. Ruben Catabonan, hepe ng nasabing himpilan ng pulisya matapos ang nasabing insidente.
Sa sketchy report ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang pananambang sa kahabaan ng Sucat Road.
Nauna rito, nabatid na inihatid umano ni Tanagan si Catabonan sa SM Department Store sa Sucat Road.
Pero nang susunduin na ni Tanagan ang nasabing opisyal dala ang isang kulay puting mobile patrol ay nagulat na lamang ang una nang harangin siya ng isang sasakyan na kinalululanan ng mga hindi pa kilalang mga suspek na pawang armado ng baril.
Mabilis na pinaputukan ng mga suspek ang mobile car na minamaneho ng biktima dahilan upang tamaan ito.
Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya kaugnay sa nasabing pananambang.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended