Kawani ng MMC at helper, huling nagtatalik
December 27, 2001 | 12:00am
Ipinagharap ng reklamo ng isang doktor ang kanyang helper at isang empleyado ng Makati Medical Center (MMC) matapos mahuli niya sa akto ang dalawa na nagtatalik sa loob mismo ng kanyang klinika kamakailan sa Makati City.
Ang nagharap ng reklamo ay nakilalang si Dr. Alfredo Ferraren, 40, binata, nakatira sa #456 Ipil St., Brgy. Cembo, ng lungsod na ito.
Samantala, ang ipinagharap naman ng reklamo ay nakilalang sina Ronald Santiago, 25, nakatalaga sa Record Section ng MMC at Maggie Tancietco, 28.
Base sa reklamo ni Ferraren kay SPO3 Rely Go ng Makati City Police Complaint Desk, naganap ang unang insidente noong Nobyembre 30, dakong alas-2 ng madaling-araw sa Cembo Maternity Lying-In Clinic na kanyang pag-aari at matatagpuan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa doktor, helper niya si Tancietco kayat pinalagpas niya ang ginawa nito matapos na humingi ng tawad sa kanya.
Subalit ayon kay Ferraren, nahuli niyang muli sa akto na nagsi-sex sina Santiago at Tancietco na kapwa hubot hubad sa loob naman mismo ng kanyang clinic.
Dahil pangalawang beses nang ginawa nina Santiago at Tancietco ang pambababoy sa kanyang clinic, kapwa niya ito inireklamo sa himpilan ng Makati City Police. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended