Ang naturang hakbang ayon kay Land Transportation Office (LTO) outgoing Chief Edgardo Abenina ay matagal nang nakaplano at ipatutupad na lamang sa taong 2002.
Ang programang ito, ayon kay Abenina ay irerekomendang maipatupad sinuman ang pumalit sa kanya sa posisyon.
Nabatid na may mga nakatalagang accredited company tulad ng LBC Express at Federal Express at mga banko sa mga malls na magbibigay ng serbisyo para sa license renewals.
Hindi umano mababago ang singil ng LTO para sa renewals ng lisensiya na idaan sa nabanggit na mga accredited companies.
Aabutin naman ng P140.00 ang singil ng mga kumpanyang nabanggit para sa kanilang serbisyo.
Sa nasabing programa ay maiiwasan ang mahabang pila at mga fixers at magkakaroon pa ang mga license holders ng mas kombinyenteng araw para sa license renewals. (Ulat ni Angie dela Cruz)