^

Metro

DOJ handa sa 'Strawberry case'

-
Handa ang Department of Justice (DOJ) na pakialaman ang kasong pagpatay sa dating child actress na si Strawberry .

Sinabi ni DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na hinihintay na lamang nila ang pormal na kahilingan ni Las Piñas Prosecutor’s Office Chief Olma Maria Luisa Inocentes para sa pagpapadala ng karagdagang mga piskal na tututok sa kaso ng pinaslang na dating child star.

Matatandaan na tatlong tama ng bala ang bumaon sa ulo ni Strawberry matapos paulanan ng bala ng baril ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan dakong alas-4:15 ng madaling-araw noong Disyembre 18 sa loob ng BF International Subd., Las Piñas City.

Sinabi ni Zuño na magtatalaga siya ng mga DOJ State Prosecutor’s sa oras na kailanganin ang kanilang tulong.

"Ang hinihintay ko na lamang ay ang kahilingan ni Fiscal Inocentes kung kakailanganin nila ang aming tulong para sa karagdagang prosecutors. Kung sa DOJ naman direktang babagsak ang kaso ay may inihahanda na rin akong mga piskal para diyan," ani Zuño.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin masiguro kung kasama sa mga akusado ang kasintahan ni Strawberry na si Jhon Mark Doromal dahil sa paglalantad ng ilang testigo na mga tauhan nito umano siya ang nakapatay sa aktres.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Zuno na kung sa DOJ direktang ibibigay ang kaso ay kaagad niya itong paaaksiyunan sa kanyang mga piskal.

Nabatid mula sa pinakahuling ulat na hawak na umano ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kaso kung saan ay isinampa na sa hukuman ang kaso laban sa magkapatid na Ronald Glen at Ryan Picar na siyang itinuturo ni Doromal na nakapatay sa kanyang kasintahan. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

FISCAL INOCENTES

GRACE AMARGO

INTERNATIONAL SUBD

JHON MARK DOROMAL

LAS PI

OFFICE CHIEF OLMA MARIA LUISA INOCENTES

RONALD GLEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with