Nakakulong ngayon ang suspect na si Armando Natividad, 43, may-asawa, nakatira sa Sitio Bagong Silang, Brgy. Sucat ng lungsod na ito.
Samantala, ang biktima na si Annabelle Natividad, 16, nakatira sa nabanggit na lugar ay nilapatan ng lunas sa hindi nabanggit na pagamutan sanhi ng mga sugat, bukol at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa nasabing lugar.
Maghapon umanong nag-iinom ng alak ang suspect at sa labis na kalasingan, napagbalingan nito ang anak na dalagita.
Nabatid na pinagalitan umano ng suspect nang walang dahilan ang biktima hanggang sa kumuha ito ng dos-por-dos at pinaghahataw nito ang nabanggit na dalagita. (Ulat ni Lordeth Bonilla)