^

Metro

Pagbaba ng pamasahe, muling iginiit

-
Muling iginiit kahapon ng isang mambabatas ang pagbaba ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan kabilang na ang pamasahe sa barko at eroplano matapos bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ang panawagan ay ginawa ni Quezon City Rep. Reynaldo Calalay kaugnay sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

"Nananawagan ako sa mga kinauukulan na ibaba ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan kabilang na ang pamasahe sa eroplano at barko. Makatwiran naman ito kung susumahin lamang ang pagbaba ng presyo ng krudo at pagtatag ng piso," pahayag ni Calalay.

Dapat lamang umanong makatikim ang mga mahihirap na mamamayan ng kaunting pakunsuwelo ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sinabi pa ni Calalay na ang pagbaba ng pamasahe ngayong Kapaskuhan ay isang paraan upang maiparamdam sa publiko ang diwa ng Pasko.

Naniniwala pa ang kongresista na lalong dadagsa ang mga pasahero patungong probinsiya kung ibababa ang pamasahe.

Kung hindi umano magkukusa ang mga may-ari ng pampublikong sasakyan at maging ang mga may-ari ng eroplano at barko na ibaba ang pamasahe ay dapat pag-aralan ng pamahalaan kung paano ito maipatutupad sa lalong madaling panahon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

BAGONG TAON

CALALAY

DAPAT

KAPASKUHAN

MAKATWIRAN

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NANANAWAGAN

QUEZON CITY REP

REYNALDO CALALAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with