^

Metro

Pag-atake ng bangungot ibinabala ngayong holiday season

-
Hindi ang cancer, heart attack o dengue ang number one na killer tuwing Kapaskuhan kundi ang hindi popular na atake na kung tawagin ay bangungot.

Ito ang siyang pinahayag ni Dr. Henry Chua, leading experts sa lahat ng uri ng sakit na may kinalaman sa pancreas o lapay.

Ayon kay Chua, kauna-unahang Filipino doctor na tumanggap at nagtutulak ng phenomenon ng bangungot bilang isang uri ng sakit at hindi lamang basta kathang-isip na mayroong tinatayang 3,000 Pinoy ang namamatay sa bangungot tuwing sumasapit ang Kapaskuhan taun-taon.

Sinabi ni Chua sa isang small group conference kamakailan na ang Filipino at ang mga Indonesians lamang ang siyang dumaranas ng ganitong uri ng atake sa pagtulog na karaniwang tinatawag na bangungot.

Ang dalawang nabanggit na nationality ay iniulat ni Chua na mayroong singhaba ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at ang Indonesians naman ay ang kanilang mahabang selebrasyon at kainan tuwing matatapos ang Ramadan.

Ani Chua, ang nag-iisang palatandaan ng bangungot ay walang iba kundi ang pumuputok na pancreas o lapay sa panahong himbing sa pagtulog ang mga biktima.

Ipinaliwanag ni Chua na may akda ng ‘nightmare phenomenon of pancreatitis’ na isang scholar paper na nagpapaliwanag na ang bangungot ay isang uri ng pancreatitis kung saan ang pagputok nito ang siyang nagtutulak upang atakihin sa puso ang isang natutulog o kaya naman ay ma-comatose ito bunga ng reaksyon ng kemikal mula sa pumutok na internal organ.

Isang simpleng kasagutan, ani Chua ang dahilan kung bakit tuwing Kapaskuhan nagaganap ang maraming kaso ng bangungot at ito ay ang agarang pagtulog ng mga Pinoy, bata man o matanda, makaraang kumain ng marami.

Kadalasan, ang pagod na katawan na sinundan ng pagkain ng higit sa karaniwang diyeta at agad na itinulog ay nagreresulta ng mabagal na function ng mga internal organs laluna ng pancreas na siyang responsable sa pagtunaw ng pagkain.

Kapag ang isang nilalang na pagod ang isip at katawan ay natulog ng busog, karaniwan na itong sumasailalim sa tinatawag na Rapid Eye Movement stage kung saan pinapatunayan nito na siya ay nananaginip.

Sa isang extensive report noong 2000 sa lahat ng mga inulat na namatay sa cardiac arrest habang natutulog ay lumilitaw na 3,000 sa mga ito ang may autopsy report na pumutok ang pancreas. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ANI CHUA

AYON

BANGUNGOT

CHUA

DR. HENRY CHUA

ISANG

KAPASKUHAN

PINOY

RAPID EYE MOVEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with