5-anyos patay sa sunog
December 25, 2001 | 12:00am
Isang 5-taong gulang na batang lalaki ang nalitson makaraang masunog ang kanilang bahay sa Ayala St., Tandang Sora Ave., Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Halos hindi na makilala ang bangkay ni Erwin Espiritu at naninirahan sa nasabing lugar matapos maapula ang sunog at matagpuan ng mga bumbero ang sunog na katawan nito.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Central Police District, nagsimula ang naturang sunog dakong alas-5 ng madaling-araw nang paglaruan ng kapatid na panganay ng biktima na si Edralin, 7, at umanoy may kapansanan sa pag-iisip ang isang kandila na nakasindi.
Iniwanan sandali ng ama ang kanyang mag-iina sa bahay at mayroon lamang itong binili sa labas ngunit sa kanyang pagbalik nakita na lamang niyang nagliliyab ang kanilang bahay.
Isa-isang iniligtas ni Liza, ina ng biktima, ang tatlo pa nitong anak ngunit hindi na nito nagawang mailigtas si Erwin dahil sa sobrang pagkataranta nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am