Sinabi ni Engr. Mario Miranda, DOTC project manager ng MRT na ang nabanggit na karagdagang minuto sa operasyon ng MRT ay tatagal hanggang Enero 1, 2002.
Ang last trip ng MRT patungong Taft Ave. station sa Pasay City ay aalis sa North Triangle station sa Quezon City ng 9:58 p.m.
Ang mga patungo naman ng North Triangle, Quezon City ay aalis naman ng Taft Ave. nang ganap na 10:30 p.m.
Sinabi pa ni Miranda na ang dahilan ng kanilang extension sa nakagawian ng haba ng operasyon ay dulot na rin ng pangangailangan na mapaglingkuran ang mga Filipino commuters sa Metro Manila na inaabot ng gabi sa pamimili, pamamasyal at pagdalaw sa kanilang mga kaanak dahil sa haba ng bakasyon.
Samantala ay pinahayag din ni Miranda na nakapagtala na nang pinakamataas na record ang MRT ridership sa taong ito na umabot sa may 390,000 sa loob lamang ng isang araw at ito ay naganap noong Dec. 14.
Sa isang ordinaryong operasyon nito ngayong Kapaskuhan ay umaabot naman sa may 350,000 ang sumasakay sa MRT araw-araw.
Samantala, sa regular na panahon naman ay nasa 300,000 ang naisasakay ng MRT.
Lumilitaw na nagkaroon ng karagdagang 50,000 hanggang 90,000 ang nadagdag sa pasahero ng MRT sa buwang ito ng Disyembre. (Ulat ni Danilo Garcia)