Kinilala ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital na sina John Kenneth Gruto, 13, estudyante, ng J. Rodriguez St.; Angeline Gumatay, 14, estudyante, ng 46 D.M. Hizon St.; Mark Joseph Legaspi, 13; Libis Espina; Joel Erense, 13, ng T. Bugallion; at Ryan Guinto St., ng nabanggit na lungsod.
Kaagad namang naaresto ang mga suspect na nakilalang sina Allan James, 16, ng 92 Kapanalig St., Marcela; Edgar delos Santos, 17, ng 2624 Dagupan Ext., Tondo, Manila; at Jimbo Cabuhat, 18, ng 14 Lourdes St., Bagong Silang, Caloocan City.
Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID), dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa compound ng San Roque Parish Church sa A. Mabini St., Sangandaan, Caloocan.
Kasalukuyang nakikinig ang mga biktima ng Misa sa labas ng simbahan nang bigla na lamang dumating ang mga nagtatakbuhang mga kabataan kasabay ang biglang paghagis ng pillbox at biglang pagsabog nito.
Mabilis na nabulabog ang mga deboto sa pag-aakalang isang bomba ang sumabog at nagkani-kanyang takbo papalabas ng simbahan.
Ayon sa ilang saksi, isa sa mga suspect ang naghagis ng pillbox kung saan tinamaan ang mga biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)