Kinilala ang nasawi na si Manuel Mallorca, 48, ng Purok 6, PNR Site, Barangay Western Bicutan ng bayang ito.
Samantala, kaagad naman tumakas ang hindi pa nakikilalang operator ng tren.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ronald Dimagila, ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas- 3:30 kahapon ng madaling araw sa PNR Site, Purok 6, Barangay Western Bicutan.
Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar at hindi namalayan ang paparating na tren mula sa Maynila papuntang Muntinlupa City.
Minalas na nahagip ng tren ang biktima na naging dahilan upang magkalasog-lasog ang katawan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)