Boyfriend ni Strawberry lumutang na, handa nang magpa-paraffin test
December 22, 2001 | 12:00am
Lumutang na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nobyo ng nasawing dating child actress na si Strawberry o Noche Sumaya sa tunay na buhay na si John Mark Doromal upang linisin ang kanyang pangalan sa pagkamatay ng una sa isang insidente ng pamamaril na naganap noong nakalipas na Martes sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City.
Nabatid na dakong alas- 6 ng gabi kamakalawa nang dumating si John Mark Doromal, anak ni Ret. Supt. Edgardo Doromal , kasama ang pinsan nito upang pabulaanan na may kinalaman siya sa pagkamatay ng nobya.
Nagbigay na rin ito ng testimonya at inihayag na nakahanda siyang sumailalim sa paraffin test upang malaman na hindi sa kanya galing ang pagpapaputok ng baril na kumitil sa buhay ng nasabing dating child actress.
Labis ding ikinagulat ni Doromal nang mabalitaan sa telebisyon na patay na ang kanyang kasintahan kung kaya nakiusap ito sa opisyal na aalis muna upang puntahan ang bangkay ng nobya at nangako na babalik kahapon sa NBI para sa isasagawang imbestigasyon.
Gayunman, namuti ang mga mata ng mga opisyal ng NBI at hindi dumating ang batang Doromal.
Samantala, sinasabing nagsampa na ng kasong attempted murder ang pamilya ni Reynaldo Picar laban kay John Mark Doromal makaraang lusubin sa naturang subdibisyon na doon nga naganap ang pamamaril na naging dahilan ng pagkamatay ni Strawberry. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am