^

Metro

Chinese national dinukot sa Malabon

-
Dinukot ng tatlong armadong kalalakihan ang isang 40-anyos na Chinese na anak ng caretaker ng isang malaking pagawaan ng sardinas matapos itong mapagkamalang anak ng may-ari, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Senior Inspector Napoleon Bataycan, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division ng Malabon Police ang biktima na si Mailing Ang, alyas Okim, umano’y isang tomboy ng 16 Cherrygail II Subdivision, Barangay Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:26 ng gabi ng maganap ang insidente hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Napag-alaman na bigla na lamang hinarang ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng isang L300 van na walang plaka ang sinasakyang Ford Fierra ng biktima habang papauwi ito sa kanilang bahay.

Kaagad umanong tinutukan ng dalawang suspect ng mataas na kalibre ng baril ang biktima, isa sa mga ito ay nakasuot pa ng police uniform samantalang ang isa pa ay may suot na bonnet sa mukha at mabilis na isinakay ang biktima sa kanilang get-away vehicle na doon naghihintay ang isa pa nilang kasamahan.

Sinabi ni Bataycan na posible umanong mistaken identity ang nangyaring pagdukot sa biktima. Maaaring inakala ng mga suspect na si Okim ang anak ng may-ari ng pagawaan ng sardinas na si Mariano Sy na matagal ng hindi nagtutungo sa kanyang pabrika at sa Parañaque na ito nakatira.

Inakala ng mga suspect na ito ang anak ng may-ari dahil sa Chinese looking ito, ngunit ang katotohanan ito ay anak ng caretaker ng pabrika na si Leong Ang.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para mabawi ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BARANGAY HULONG DUHAT

BIKTIMA

FORD FIERRA

GEMMA AMARGO

LEONG ANG

MAILING ANG

MALABON CITY

MALABON POLICE

MARIANO SY

OKIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with