^

Metro

Anti-littering task force pinabubuwag sa Maynila

-
Libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang sumisigaw sa pagbubuwag ng Anti-Littering Task Force ng lungsod ng Maynila dahil sa di-mabilang na paglabag ng grupo sa karapatang pantao at sa iligal na pagkakatatag nito ng Office of the City Mayor.

Sa pangunguna ni Konsehal Benjamin ‘Atong’ Asilo, mula sa Unang Distrito ng Maynila, sinabi nito na dapat nang buwagin ang Anti-Littering Task Force, na may tanggapan sa Cristobal St. sa Maynila, dahil sa madalas na pagrereklamo ng mga tindero na kanilang nahuhuli.

Sinasabing ang naturang task force ay pinangangasiwaan umano ni Leonardo ‘Totoy’ Uy, na nagmamay-ari ng Leonel Waste Management, ang solong may hawak ng P2 million per day contract sa pangungulekta ng basura ng Maynila.

Ayon pa kay Asilo, nararapat nang alisan ng kapangyarihan ang naturang grupo dahil sa tambak na reklamo ng pang-aabuso sa mga taong nahuli umano nila dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Idinagdag pa ng Konsehal na wala naman talagang karapatan ang mga miyembro ng task force na gawin ang panghuhuli sa mga maliliit na negosyante dahil sa ilegal naman ang pagkakatatag nito dahil sa walang special law, legislative man o executive order, na nagbibigay kapangyarihan sa task force sapagkat verbal order lamang umano mula sa Office of the Mayor ang pagkakalikha nito.

Ayon sa mga tindero’t tindera na miyembro ng mga samahan na magsasampa ng kaso, silang lahat ay naging biktima umano ng ilegal na panghuhuli at pagkumpiska ng kanilang mga paninda ng grupo ni Uy gayong ang konsentrasyon ng nabanggit na task force ay ang paghuhuli sa mga lumalabag sa pagtatapon ng basura. (Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ANTI-LITTERING TASK FORCE

ASILO

AYON

CRISTOBAL ST.

KONSEHAL BENJAMIN

LEONEL WASTE MANAGEMENT

MAYNILA

OFFICE OF THE CITY MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with