^

Metro

Binata napagkamalang magnanakaw, todas sa taumbayan

-
Matapos umanong mapagkamalang magnanakaw, isang 30-anyos na binata ang pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ng mga taumbayan, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa Las Piñas City District Hospital si Rogelio Fortillo, ng Green Valley, Brgy. Molino, Bacoor, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng Las Piñas police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa Miranda Compound, Brgy. Talon 1 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na napansin ng ilang mga residente na aali-aligid ang suspect sa nabanggit na lugar. Pinaghinalaan ng mga residente na ito ay magnanakaw kaya’t nagkaisa sila at kinuyog si Fortillo.

Hindi naman matiyak pa ng pulisya kung ano ang pakay ng nasawi sa nasabing lugar. Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya para kilalanin kung sinu-sino ang nakapatay dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BACOOR

BINAWIAN

BRGY

CITY DISTRICT HOSPITAL

GREEN VALLEY

LAS PI

LORDETH BONILLA

MIRANDA COMPOUND

ROGELIO FORTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with