^

Metro

Ex-child actress na si Strawberry, patay na

-
Patay na ang dating child actress na si Strawberry makaraang mabaril noong Martes ng madaling araw sa loob ng eksklusibong subdibisyon sa Las Piñas City.

Dakong alas-5 ng hapon ng bawian nang buhay ang dating child actress sa intensive care unit ng Parañaque City Medical Center bunga ng tatlong tama ng bala na bumaon sa ulo nito matapos na paulanan ng bala ng hindi pa matukoy na kalalakihan dakong alas-4:15 ng madaling araw noong Martes sa loob ng BF International sa Las Piñas City.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, sinasabing ang pamamaril ay nag-ugat dahil lamang sa matagal nang alitan ng dalawang pamilya. Isa rito ay ang pamilya ng boyfriend ni Strawberry na si John Mark Doromal at ang pamilya Picar.

Nabatid na Martes ng madaling araw, sinabi ng mga testigo na nakita nilang nakaparada malapit sa gate ng nabanggit ng subdivision ang sasakyan ni Doromal na dito nakasakay din ang dating child actress at parang may inaabangan.

Ilang sandali pa ay dumating ang isang sasakyan na sinasabing kinalululanan naman ng magkapatid na Ronald Glen at Ryan Picar na dito na nagkaroon ng kaguluhan kasunod ang sunud-sunod na putok ng baril.

Binanggit pa ng pulisya na natapos na ang isinagawang pagsisiyasat sa mga Picar.

Gayunman ang kasintahan ni Strawberry ay lumulutang na kahapon sa NBI.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito.

Si Strawberry ay lalong nakilala sa programang ‘Chicks to chicks’ at pelikulang ‘Manu-mano’.

vuukle comment

BINANGGIT

CITY MEDICAL CENTER

DAKONG

DOROMAL

JOHN MARK DOROMAL

LAS PI

PICAR

RONALD GLEN

RYAN PICAR

SI STRAWBERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with