Basura papalitan ng bigas ng MMDA
December 20, 2001 | 12:00am
Basurang hindi nabubulok papalitan ng bigas na mailuluto.
Ito ang bagong programang inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa layuning lalong maibsan ang nararanasang krisis sa basura sa kalakhang Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Benjamin Abalos, ang programang "Basura palit bigas" ay inaasahang epektibong makakatulong para malunasan ang suliranin sa basura.
Ang lahat ng mga nakokolektang basura, tulad ng mga lata, bote at plastic ay puwede nang ipalit ng bigas sa mga umiikot na rolling store na naka-deploy sa 40 area sa Metro Manila.
Nabatid na sa bawat nakolektang 40 piraso ng lata o bote ay may katumbas na isang kilo ng bigas.
Layunin din ng programa na mahimok ang publiko para ipatupad sa kanilang mga lugar ang waste segregation at recycling scheme. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended